Haaaa? Hu u? Arom?! Hahahaha
Sabi ng ate ko, pupunta raw kami ng Baguio next week. Nung sinabi niya ‘yun, I was like “WEH?! TOTOO ‘YAN AH!!! WALANG TOKISAN!” Sobrang saya ko lang 😄 I know, sobrang labo mangyari. Pero malay naman ‘di ba? Sobra talaga akong na-excite. Ang ganda at ang lamig kasi talaga sa Baguio! Para bang 24/7 kang naka-aircon. Eh dba nga ngayon dito sa Manila, kahit pa umulan, eh napaka-init… So, ayun. Sana matuloy talaga!!!!!!!!
‘Yung resulta nung Senatorial elections, napaka-disappointing. Kung sino pa ‘yung deserving, sila pa ang hindi nakapasok. ‘Yan kasi hirap sa karamihan sa mga Pilipino. Namimili sa pangalan o kasikatan, hindi sa mga nagawa at magagawa pa sana.
Naiiyak ako. OA na kung OA. Pero kasi bilang isang kabataan na labis ‘yung pagnanais mo na sana magbago na kahit papaano ‘yung gobyerno, ‘di pa mangyayari. Para sa akin, hindi dapat nakapasok dyan si Nancy Binay. OJT for 20 years? Tapos, wala na? Anong klase ‘yun? Sina Hagedorn, Gordon, Casiño, at Llasos (yes, gusto ko sanang makapasok siya, kaya nga lang kasi hindi talaga siya kilala) na bet ko, maski isa sa kanila, walang pumasok! Hay buhay. ‘Yung iba kasi, nagpadala sa apyelido, or worst nagpabayad para lang sa panandaliang ginhawa. ‘Di man lang ba nila naisip na for 6 years manunungkulan ‘yung mga nanalo? What will they do then?!!
Basta ako, ayoko lang talaga na nakapasok sina Binay, Cayetano, Villar, Escudero, Aquino, Ejercito-Estrada. Can you see the trend? Puro dahil sa surnames at inendorso ng mga sikat. What a shame.
May isang kanta nung youth camp ang sobrang ‘di ko malilimutan. ‘Yung “Give Me Faith” ng Elevation Worship. Pakinggan niyo rin. Promise, ang ganda :)
Give me faith, to trust what You say. That You’re good, and You’re love is great. I’m broken inside. I give You my life~~ 🎶🎶❤❤💆💆
Finally, member na ako ng CFC-YFL!!! Yaaaaay! Actually kahapon pa ng around 1pm. Hahaha. And I just want to share my experience of how great God is!
Sa unang araw, I was actually late. 5-6 pm ‘yung reg., pero 9:30 pm na ako nakapunta. Kinailangan ko kasing pumunta ng UP for an orientation. Okay so pagkadating ko, nanonood sila ng video. Before pala nun, may talk tapos intro. Dko na naabutan yung iiintroduce mo sarili mo. ‘Yung sa first talk, patapos na nung naabutan ko. ‘Nung tapos na ‘yung talk, tutulog na daw. Since bago lang ako nakadating, di ako agad nagka-friend :( Nung pagkadating sa quarters namin, may isa na walang dalang sleeping bags. So sabi ko sa kanya, share na lang kami. So may friend na ako! Tapos nun, nagshare kami ng tungkol sa buhay namin. Btw, hi Claire! :)
Second day, 5 am pa lang, gising na ako! Tapos almost 7 am, ready na ako for the day. Nag-breakfast kami. Tapos nagka-talk ulit. Medyo inantok ako nun kasi almost 1 am na ako nakatulog. Pero nag-focus pa rin ako. Then may talk ulit. Then lunch, then siesta. Nakatulog ako saglit. Pagkagising ko, nag-toothbrush ako. After that, tinawag ako ni ate Kfab, ‘yung Discussion Group leader ko. Nag-kwentuhan lang kami. Then confession. Pinuntahan din ako ni ate Harriet, ‘yung first ever na nagsabi sa akin about sa YFL. Schoolmate ko siya dati. Bait niya, pinuntahan niya pa talaga ako :) tapos nag-practice for E-night. Nag-brownout pa nga so hassle. Pagkatapos nun, dinner then talk. Tinuruan din kami nun ng worship songs. ‘Yung iba, alam ko na. ‘Yung iba, bago lang sa akin. Then, talk ulit. Tapos nun, pinag-medidate kami. Then pinray-over ni ate Kfab at ate Brenda, ‘yung isa ko pa ulit na DG leader. Tapos may worship na talaga. Sobrang ito ‘yung di ko malilimutan!!! Sobrang sarap sa feeling. Medyo natawa lang ako dun sa mga nasa harap ko. Kasi na-awkwardan sila. Nakatayo lang sila (I dunno if they were singing) tapos majority, nagwo-worship talaga =) Siguro na-shock lang sila dahil hindi sila sanay. Umiyak pa nga ako nun eh kasi feel na feel ko talaga ‘yung worship. Haha! Pero ang saya at ang sarap talaga sa feeling. Pagkatapos nun, E-night na! Short for entertainment night. Ano lang ‘yun, parang showcase of talents. Ang saya:))) Then, tulog time na ulit.
Last day. May 12. Mother’s day. Bago ako matulog (nakatulog na lasi ako mga 12:30am), tinext ko muna sina ate Mara ang mami ko to greet them :) Then nagising ako ng 6 am. Actually, pagkagising ko, nagulat ako! Kasi kami na lang ni Claire ang natutulog pa! Haha! Pagkaligo ko, diretso sa session hall for breakfast tapos nagpunta kami sa St. Ignatius of Loyola parish for mass. Nakaka-antok, pero tinry kong gisingin ang diwa ko. Thank God di ako nakatulog :) Pero never naman akong natutulog ‘pag may mass! Pagkabalik sa St. Ignatius of Loyola school, venue ng camp, practice of worship songs ulit. Tapos last talk. Pinag-meditate ulit kami, tapos nagulat ako! May humawak sa leeg ko! Akala ko ‘yung mga DG leaders ko. ‘Yun pala, ‘yung ate ko! Waaah. Nagtext pala kasi ‘yung mga service team sa parents na pumunta sa last day. Eh since wala nga sila, si ate Ineng na lang nagpunta. May dala pa ngang Jollibee eh. Sweet naman! :”> Tapos may mga nagshare ng experience nila sa camp. Then ang closing prayer namin ay worship songs. Ay, sarap talaga sa feeling :D
And that concludes my story sa pinaka-aabang kong Youth camp. Medyo nabagot pa nga ako nung morning ng second day of stay namin kasi nga nakakaantok. Mga chever na ganun. Pero in the end, sobra-sobra ang kaligayahan ko at sumali ako sa camp. YFL servant na ako, sa wakas! Salamat Lord!!! 😄😄😄❤❤❤💆💆💆
Si Trisha Faye. Ang babaeng lagi akong inaapi. Joke. Sa lahat ng mga kaklase ko, si Trisha ‘yung lagi kong inaaway. Hihi. Joke ulit. Basta, kasi ang sarap niyang pag-tripan!! Promise. ‘Yung tipong kahit anong sabihin mo sa kanya, hindi siya napipikon. Tapos ikaw na ang may kasalanan, siya pa magso-sorry. Hanep ‘di ba?
Pero seriously speaking, miss ko na si Shapey >:DDDD< Miss ko na ‘yung supplier ko ng pagkain, papel, ballpen, colored paper, pagkain, pagkain, at pagkain. Grabe kaya ‘yang si Trisha. Supplier ‘yan ng Teresa ng pagkain! ‘Yung recess niya, kami kumakain. Eh okay lang naman kasi sa kanya eh. Hahahaha!
Pero iba pala ‘yang si Shapey. May kinukubli ‘yan sa pinakaloob ng kanyang puso. Medyo malalim ba? Madrama pala ang buhay ng ate mo! May problema sa lovelife! Hala ka. Pero pinrioritize niya talaga pag-aaral niya. At isa lang masasabi ko tungkol kay Trisha. Ay, dalawa pala. Napakasipag niya (sa lahat ng aspeto! Mag-aral, magdala ng pagkain, magsulat ng lecture) at sobrang bait. For me, siya pinakamabait sa Twopa.
There is a .000001% chance na mabasa niya ‘to. Pero whatevs na lang. Basta miss ko na talaga siya!